SciFight Tuesday, February 15, 2005 |
marahil ito na ang pinaka-hectic na araw para sa lahat ng scholars...
may official t-shirt ang lahat... white T-shirt with EducTrip print for the members and black T-shirt with EducTrip print naman ang para sa mga officers and advisers... bising-busy ang lahat... kina-career talaga ang araw na i2... lalo na si Ryan...
nagising ako at akala ko eh pa-easy-easy lang today... 'kala ko wala na akong gagawin dahil nagawa ko na ang mga powerpoint sa barko pa lang... un pala 'di pa tapos... madami pa ring gagawin...
pero bago iyon... courtesy call muna... sa DOST regional office viii...
we toured around and was given the chance to see their facilities and how they keep up with the rapid changes in technology.
then is the event of the day... SCIFIGHT...
very hectic this day it is... the scifight started first with a lecture forum by ma'am ocampo... i found her topic on research making very interesting (i should be, i'm the one operating the powerpoint)... though it buzzes me to think that many of the scholars just disappeared during her talk... shame on them...
next is the scifight... a clash of minds it is indeed... everyone was ready to do his her part... and so i am... again i'm the powerpoint operator... but that's not all... i have to do an impromptu presentation for some of the portions of the presentation... grabe... dyahe... 'kala ko wala na akong masyadong gagawin... na-stress yata ako... nakakainis pa at andaming nagsasabi na hindi daw "timed" ang mga animations.... paanong hinde eh hinde naman ako ang gumawa dun... kaya di ko masyadong kabisado ang presentation...
anyways... anhaba ng scifight... pero masaya... ito daw ang pinaka-successful na scifight in the history of the eductrip... wow! to add na kasama ako sa nagpa-successful nito... hasteeegen...
hanapin nio nga ako diyan...
may issue daw itong si christian ferolino... may "ipis" daw ang rice nia... hay naku... papansing skeletor talaga ang taong iyan... tignan na lang natin kung saan mapunta ang issue na ito...
okay... valentine's parti na... ciempre... konting tulog muna dahil antok na ako...
wow... grandiose din ang preparation na ginawa ng mga organizers ng event na ito. andaming gimik na ginawa... at ang kinatatakutan kong parlor games... na isang computerized drawing system pa raw ang gumawa ng pagbobola kung sinong magiging mag-partner sa games... at iyon... in-announce na ang mga kasali sa unang game which is marshmallow eating,,, ayan na... si abel at finaciel... alfons at kite... jeremie at angelo... lyrica at sylver... ano!? dinadaya ba ako ng pandinig ko?! Eman at Marvice?! O hinde... sino ba ang mastermind ng computer generated pairs na iyan... at sasaksakin ko!!!well... wala akong magawa kundi mag-yield sa ek-ek na contest na iyan... nagsaya sana ang kumukuha ng mga pictures... good for you guys.... anyways, pagkatapos ng party ay assessment time na at masaya na ako ulit... wow... ako pala ang mag-a-assessment ngayon para sa clan namin... kailangan asteeg... kailangan malupit... nag-isisp ako... at naisip kong... mag-joke....ang joke is in the form of a song, and here is how it goes...
it is SOHOTON here,
so take off all your clothes,
so HOT on here insde,
i will take my clothes off!
It really is SOHOTON here, 2x (Oh baby)
... may tumawa, at may hindi naman sa kanta kong ito na sinabayan ko pa ng giling at action...yung iba tumawa dahil nakakatawa ang sayaw ko, yung iba dahil nagets ang ibig sabihin ng kanta ko, ang kulit ano?
anyway, gusto ko pa sanang magbigay ng isa pang joke kaso nga lang eh masyadong KJ 'tong si sir arwin at pina-assess ako kaagad. ito sana ang joke ko oh...
Q: ano ang theme song ng mga archers?
Ikaw: ... Ano?!
A: edi "Broken Bow!"
Ikaw: nyahahahahahaha...
sayang 'di ko na na-deliver ang joke ko na iyon...pamatay rin sana iyon eh...
anyways... madrama ang assessment na ginawa ko... na ciempre nakakatawa rin... asteeg nga eh... nakalimutan ko na ang eksakto kong sinabi kaya hanggang dito na lang....
ang saya ng araw na ito grabe...
*NOTE* nagmumura ngayon si marvin
nakarating na kami sa tacloban... pero bago ang lahat... pit stop muna sa devarras' residence para mag-breakfast... yum yum yum yum yum...pumunta kami ng DepEd sunod para mag-retouch at ilagay ang gamit namin sa aming respective rooms... we would be staying there for about 3 days... anyways... di na 'ko nakapag-hilamos o ligo man lang... kaya nagbihis na lang ako at konting hilamos at pulbo*.pumunta kami ng san juanico bridge!!!! si sir sablay sa san juanico bridge... isang paglalakbay...
wow! ang habang lakaran pala nito! halos isang oras ang naubos namin ni buddy osang sa pagbaybay dito... pero sulit... andaming kodakan and everything... grabe ang saya... ang ganda talaga ng view... as in WOW na WOW si buddy osang... WOW... WOW... WOW... wala na 'kong marinig kundi WOW... 'kala ko nasa wow philippines na ako... pero ansaya kasama ni buddy osang...picturan rin kami ng picturan bawat stopover... ingat rin kami na hindi umalis ng sidewalk kasi baka masagasaan kami ng bus... wahehe... asteeg san juanico... pagdating sa dulo eh todo laklakan na ng drinks and everything dahil sa uhaw at pagod sa paglalakad... next stop...sohoton caves... grabe din ang layo ng next destination namin as in ever so layo... nag-motorboat pa kami ng dalawang oras papunta sa location kung saan nag-shoot ang spirit warriors. wow almost two hrs. ang travel by motorboat... si patrick ay pinagtawanan pa ng nasa kabilang bangka dahil nagsuot pa siya ng life jacket... besides, sigurado namang lulutang iyon kapag lumubog ang bangka... 'di naman bagay sa kanya... pero nagsuot rin ako... hehehehe... pagdating sa sohoton eh todo kodakan to the max kaming nasa first batch (by batch pala ang punta at nasa first batch me). na-c-CR na ako pagdating ko dun pero di ko naman magawa dahil biohazard ang CR nila doon... as in saksakan ng baho and everything... pagpasok namin sa kweba eh may briefing muna kami ni manong kung ano dapat gawin... ayan... pumasok na kami sa sohoton caves... grabe ang saya... as in super dupper super golly fragilistik expiyali docious... pero ambabantot na ng mga lalaki sa paligid ko... di yata naligo tulad ko... pero mabango ako noh... at dun kami nagkita ni yen-yen at sinamahan ko siya since wala si buddy rose... todo kodakan kami dun... sawakas!!! nakakita rin ako ng liwanag paglabas... ansaya sa loob at gusto ko pang maglibot... pero gutom na rin ako... ano?! walang fud!? nasan 'to!? pestilence!!!! kailangan pang bumiyahe ng dalawang oras ulit... pero maskawawa naman ang nasa 2nd batch... masmatagal silang naghintay bago nakakain... poor little creatures.... starved to death... nagkulang yata sa planning on this part of the trip... hehehe... kami ni henwick sa swing pagkatapos ng tour sa sohoton caves
habang naghihintay kaming nasa 1st batch para sa 2nd batch eh naglaro-laro muna kami... bondingan... at kantahan...pauwi na kami... nakauwi na kami... assessment time na... grabe ang reklamo ng lahat sa assessment... as in bawat nag-assess eh kulang nang lumuha ng dugo sa sobrang hirap na nadanasan raw nila... grabe... todo emote ang lahat ng nandun...
pero sa palagay ko eh okay lang naman ang araw na ito... wala namang planong perpekt eh... besides first time palang nila na maging advisers..
yum yum yum yum yum... inaantok na ako... sarap mahiga at matulog... sakit na likod ko...*courtesy of patrick
biyahe Saturday, February 12, 2005 |
ako'y bumibiyahe ngayon sa barko na ang ngalan ay princess of the stars.wala kaming lahat magawa kundi kumain... mag-arcade... mag-table-tennnis... at gumala... kaya naisip ni resty at ng iba pang mga chik chak chenis na officers na magpagawa na lang ng mga clan flags... grabe...binigyan lang kami ng katsa...bwusit... ano naman ang gagawin namin sa katsa... buti na lang at may dala akong mga drowing materials... siyempre, artist ako... kailangan laging handa...anyways, nagplano kaming mga druid kung ano ang magiging design ng flag namin... may nag-suggest na baboy na lumilipad... agila... puno... at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa kalikasan... since DRUIDS kami... we should embody what a druid really is... defenders of nature... yeah... asteeeg... kaya nagkasundo kami na gumawa ng flag na may eagle at puno... asteeg grabe...nagplano na rin kami ng gagawin namin para sa group presentation... ang magiging motiff namin ay DRUID Rangers!!!asteeg talaga ang mga konsepto ko... whoa... napapahanga ko tuloy ang sarili ko... anyways naplano na namin ang aming cheer and everything...ito ang isa sa mga sasabihin namin:- tenten-tenen-tenten... It's DRUID time!!!
- GO GO DRUID RANGERS!!!
- Asteeg talaga kami...
asteeg talaga kami... anyways... nakarating na kami sa Cebu port ng 4pm but didn't left until 7pm. at sumakay na nga kami ng ferry papuntang Leyte...
bye...
tenten-tenen-tenten... It's DRUID time!!!