biyahe
wala kaming lahat magawa kundi kumain... mag-arcade... mag-table-tennnis... at gumala... kaya naisip ni resty at ng iba pang mga chik chak chenis na officers na magpagawa na lang ng mga clan flags...
grabe...
binigyan lang kami ng katsa...
bwusit... ano naman ang gagawin namin sa katsa... buti na lang at may dala akong mga drowing materials... siyempre, artist ako... kailangan laging handa...
anyways, nagplano kaming mga druid kung ano ang magiging design ng flag namin... may nag-suggest na baboy na lumilipad... agila... puno... at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa kalikasan... since DRUIDS kami... we should embody what a druid really is... defenders of nature... yeah... asteeeg... kaya nagkasundo kami na gumawa ng flag na may eagle at puno... asteeg grabe...
nagplano na rin kami ng gagawin namin para sa group presentation... ang magiging motiff namin ay DRUID Rangers!!!
asteeg talaga ang mga konsepto ko... whoa... napapahanga ko tuloy ang sarili ko... anyways naplano na namin ang aming cheer and everything...
ito ang isa sa mga sasabihin namin:
- tenten-tenen-tenten... It's DRUID time!!!
- GO GO DRUID RANGERS!!!
- Asteeg talaga kami...
asteeg talaga kami... anyways... nakarating na kami sa Cebu port ng 4pm but didn't left until 7pm. at sumakay na nga kami ng ferry papuntang Leyte...
bye...
tenten-tenen-tenten... It's DRUID time!!!