bisita kina arwin
hehehe anyways, masaya ang kainan kanila sir arwin... yun nga lang kasalo namin ang mga langaw... hehehe... nabusog naman ako hehehe... tenks ser arwin...
ang saya ng araw na ito un nga lang 'di ako nakapanood ng onepiece dahil nanood ang iba ng harry potter... sumpain sila!!!
anyways nakapag-bike ulit ako gamit ang bike nila sir arwin... nakakainis pinagtawanan ako ng ilang mga bobong bata... bading adw ako?!?! hamunin ko sila ng sapakan eh...
bumiyahe na rin kami papuntang ormoc city.... nakakatakot dahil may balitang may sumabog na bomba sa manila... valentine's day bombing ikanga... kaya todo security naman kami...
anhaba at antagal ng biyahe papuntang ormoc... ginabi na kaming lahat na nasa second batch.... anyways... huli na nung matuklasan ko na nawawala ang apat na brief ko!!!! wahuhuhhuhu
haunted haus daw itong pongos, si jomar nga eh takot na takot magpaiwan ng nag-iisa sa kwarto namin... sosyal naman si patrick at queen-sized ang kama niya... pang queen nga talaga... anyways....
hindi pala natuloy ang assessment at nag-miting na lang ang mga officers, advisers at clan liders... seryoso daw...
sige hanggang dito na lang... babay