it's sohoton hir
pumunta kami ng DepEd sunod para mag-retouch at ilagay ang gamit namin sa aming respective rooms... we would be staying there for about 3 days... anyways... di na 'ko nakapag-hilamos o ligo man lang... kaya nagbihis na lang ako at konting hilamos at pulbo*.
pumunta kami ng san juanico bridge!!!!
si sir sablay sa san juanico bridge... isang paglalakbay...
wow! ang habang lakaran pala nito! halos isang oras ang naubos namin ni buddy osang sa pagbaybay dito... pero sulit... andaming kodakan and everything... grabe ang saya... ang ganda talaga ng view... as in WOW na WOW si buddy osang... WOW... WOW... WOW... wala na 'kong marinig kundi WOW... 'kala ko nasa wow philippines na ako... pero ansaya kasama ni buddy osang...picturan rin kami ng picturan bawat stopover... ingat rin kami na hindi umalis ng sidewalk kasi baka masagasaan kami ng bus... wahehe... asteeg san juanico... pagdating sa dulo eh todo laklakan na ng drinks and everything dahil sa uhaw at pagod sa paglalakad...next stop...
sohoton caves... grabe din ang layo ng next destination namin as in ever so layo... nag-motorboat pa kami ng dalawang oras papunta sa location kung saan nag-shoot ang spirit warriors. wow almost two hrs. ang travel by motorboat... si patrick ay pinagtawanan pa ng nasa kabilang bangka dahil nagsuot pa siya ng life jacket... besides, sigurado namang lulutang iyon kapag lumubog ang bangka... 'di naman bagay sa kanya... pero nagsuot rin ako... hehehehe... pagdating sa sohoton eh todo kodakan to the max kaming nasa first batch (by batch pala ang punta at nasa first batch me). na-c-CR na ako pagdating ko dun pero di ko naman magawa dahil biohazard ang CR nila doon... as in saksakan ng baho and everything...
pagpasok namin sa kweba eh may briefing muna kami ni manong kung ano dapat gawin... ayan... pumasok na kami sa sohoton caves... grabe ang saya... as in super dupper super golly fragilistik expiyali docious... pero ambabantot na ng mga lalaki sa paligid ko... di yata naligo tulad ko... pero mabango ako noh... at dun kami nagkita ni yen-yen at sinamahan ko siya since wala si buddy rose... todo kodakan kami dun...
sawakas!!! nakakita rin ako ng liwanag paglabas... ansaya sa loob at gusto ko pang maglibot... pero gutom na rin ako... ano?! walang fud!? nasan 'to!? pestilence!!!! kailangan pang bumiyahe ng dalawang oras ulit... pero maskawawa naman ang nasa 2nd batch... masmatagal silang naghintay bago nakakain... poor little creatures.... starved to death... nagkulang yata sa planning on this part of the trip...
hehehe... kami ni henwick sa swing pagkatapos ng tour sa sohoton caves
habang naghihintay kaming nasa 1st batch para sa 2nd batch eh naglaro-laro muna kami... bondingan... at kantahan...pauwi na kami...
nakauwi na kami...
assessment time na...
grabe ang reklamo ng lahat sa assessment... as in bawat nag-assess eh kulang nang lumuha ng dugo sa sobrang hirap na nadanasan raw nila... grabe... todo emote ang lahat ng nandun...
pero sa palagay ko eh okay lang naman ang araw na ito... wala namang planong perpekt eh... besides first time palang nila na maging advisers..
yum yum yum yum yum... inaantok na ako... sarap mahiga at matulog... sakit na likod ko...
*courtesy of patrick