<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/11020720?origin\x3dhttp://emankulit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

about sir eman

"i am a physics teacher. i eat. i play. i watch anime. i blog (well, scarcely nowadays). i teach. i NOW have a cellphone. i love reading. i dance. i cry. i love the chronicles of narnia. i will make you laugh your heart out. i draw. i am a trying hard graphic artist. i love eating outside (esp. on paydays). i am a perennial procrastinator. i love to hang out with friends. i smile a lot. i am short about 5'1". i love to read but don't have time to. i love one piece. i love final fantasy. i am down to earth. i love a good laugh. i love my students. i am evil and sadistic. i love physics. i am a monster hunter. i am a photoshop user. i want to make lots of friends. i surf the net. i love to sing and dance. i will complete your day. i will love you. i will do your assignments. i love to do favors. i love free stuff. i do corny jokes. i deviantart. i psp. i enjoy staying at home. i love my desktop computer. i youtube. i will HUG you. i am a physics teacher. i teach."

taguan

pano ba maglaro ng taguan ang mga mayayaman... may kaibahan ba ito sa taguaan ng mga mahihirap...

oo...

may kaibahan sila...

at nalaman ko ito nung nakikipaglaro ako sa mayayaman kong kapitbahay... hay naku... makwento na nga...

nasa gitna ako ng pagdrodrowing nung may kumatok sa i-screen na pinto... may ulong nakalitaw... "kay paolo ito," naisip ko... si paolo pala ang apo ng mayaman naming kapitbahay na madalas bumisita sa amin para makipaglaro... grade 3 siya at nag-aaral sa de la salle-zobel... sosyal... medyo matalino dahil consistent honors student... anyways daig pa niya si patrick sa inglesan... kaya patrick wala kang binatbat sa batang ito... pero naiinis ako...

hindi ba niya maintindihan ang ibig sabihin ng generation gap!

grade 3 pa lang siya at college na kaming 3 magkakapatid... ung kapatid lang naming babae ang elementary... grade 6 na siya... anyways... pinatulan ko na ang offer niya... dahil gusto ko makita ang cute niyang kapatid na si patty at ung pinsan niyang si joel... ang cut nila at madalas naming tatlong lalaki na ikumpara sila sa bunso naming babae... na dapat magaling siyang mag-english... well-behaved... sosyal... at may poise... kasi nman... parang jologs ang bunso namin...

anyways... tuloy sa taguan...

at nag-maiba taya kami at ako ang unang taya... what luck... at inawit ko na ang banal na kanta ng tagu-taguan...

tagu-taguan
maliwanag ang buwan
pagbilang ko sampu
nakatago na kayo

"wait wait... do the slow 10!" singit ni paolo...

"anong slow 10?" tanong ko...

"magbilang ka daw ng mabagal..." sabi naman ng kapatid ko na matagal na silang nakakalaro...

"ahhhhhhh" at inulit ko ang kanta...

tagu-taguan
maliwanag ang buwan
pagbilang ko sampu
nakatago na kayo

1...
2...
3...
4...
slow na ba ito!?

"slower you dumb idiot!?" may boses mula kung saan...

uminit ang ulo ko... boses iyon ni paolo... ansarap sakalin ng batang iyon...

5... ...
6... ...
7... ...
8... ...
9... ...
10

game!?

at naghanap na ako... at habang isa isa ko silang nabu-boom eh na-realize ko na saksakan kami ng hirap... magkadikit lang ang bakuran namin nila paolo... kaya share kami ng tataguan... pero kanya kanyang teritoryo madalas... dahil 'di ko mapuntahan ang ibang parte ng bakuran nila na minsan ay pinagtataguan rin nila...

at ito na ang ayaw kong parte... ang pag-bu-boom sa kanila... basta... aywa ko ang parteng 'to... dahil talagang mahahalata mo ang malaking pagkakaiba ng pinagtataguan namin sa pinagtataguan nila... okay ito na

sa TEAM PAOLO...
  • boom Paolo sa likod ng CROSSWIND!
  • boom Patty sa likod ng PLAYGROUND! (note: di ito basta bastang playground... may tatlong maliliit na bahay bahayan na kumpleto sa mga plastic na kagamitang pambahay...)
  • boom Joel sa loob ng TENT!

kita nio na ang pinagtataguan nila... round 1 pa lang iyan... eh kami naman paano?

sa ESTRELLADO TEAM...

  • boom Jose sa likod ng YERO (na kalawangin)!
  • boom Baby Love (aka Isong sa inyo) sa loob ng KULUNGAN NG PATO!
  • boom Linggay sa likod ng tabi ng KULUNGAN NG MANOK!

ano? kita na ba ang difference?

ROUND 2 naman tayo...

sa TEAM PAOLO...

  • boom Paolo sa LOOB ng CROSSWIND!
  • boom Patty sa tabi ng VIOS!
  • boom Joel sa likod ng DOGHOUSE NG GERMAN SHEPERD!

sa ESTRELLADO TEAM...

  • boom Jose sa likod ng PASO!
  • boom Baby Love sa loob ng DRUM!
  • boom Linggay sa likod ng tabi ng Kalawanging BARBED WIRE!

kung hindi pa halata ang difference ng taguan ng mga mayayaman sa mga mahihirap eh magpakamatay na lang kayo!

hay naku...

You can leave your response or bookmark this post to del.icio.us by using the links below.
Comment | Bookmark | Go to end