the amazing race... mga igat na ahas... coke 1.5... atbp
pagkatapos ng plenary eh pinayagan na kaming mga PNU scholars na maka-alis dahil ngayon na ibibigay ang stipend namin at ngayong araw na lang ang pwede dahil bisi-bisihan na ang cashier on the next days... so iyon na nga at umalis na kami... dala ang excitement na may makukuha na kaming pera... sa wakas... pero ang problema ay ang pagpunta doon... 5 o'clock na at 7 p.m. magsasara ang cashier... mula UP-NISMED eh kailangang makarating kami ng PNU in that time span... kanya-kanyang ruta... kanya-kanyang diskarte... nahati kami at nagmistulang amazing race ang mga sumunod na nangyari...
5:10 pm / 2nd flr. stairs / UP NISMED
okay.. dito na naming magsama-sama nila melba, jomar, arlene, bec bec at ako... ang plano eh uuwi muna kami sa kanya-kanyang boarding house para iwan ang mga gamit namin (andami kong dalang plato dahil nagbaon kami), kumuha ng ID, at mag-retouch na rin... so ayun... sumakay na kami ng dyip na UP IKOT at talagang umikot pa kami... 270 degrees kung hinde ako nagkakamali... sabi na nga ni melba eh nakarating sa sana kami ng boarding house kung naglakad kami... pero wala na kaming magagawa... nakabayad na eh... may mga dumiretso na... may ilang dumaan sa mga weird na ruta... pero iisa lang ang bagsakan naming lahat alam ko... PNU...
5:25 pm / Tiburcio st. / Krus na Ligas
nasa boarding house na kami... pinaghintay na namin ang trycicle na sinakyan namin sa labas tutal nagmamadali naman kami... naghalungkatan na kami ng gamit... si arlene sa pagmamadali ay na-misplace ang susi ng boarding house... pero pinabayaan na lang namin... mas importante ang stipend sa mga oras na iyon... dumating rin si aling remy (landlady namin) na may dala-dalang mga plato ng pancit... mukhang masarap pero importante talaga ang stipend... hehehehehe... parang nagdalawang isip rin si alen nung makita ang pancit eh... anyway... pinabantay na lang namin ang bahay kany ate remy dahil nga naiwala ni alen ang susi... at kumaripas na kami... sakay ang trycicle... dumaan kanila melba at dumiretso na kami ng PHILCOA...
5:37 pm / sakayan / PHILCOA
okay nasa PHILCOA na kami... at by chance eh nakita ako ng klasmeyt ko nung hayskul at elementary dun sa malapit sa greenwich... si ajan... pero i have to cut our conversation short... though gusto ko pang makipag-usap... pero may mga kasama ako... andami na naming mga nadaanan... kung anu-anong ruta ang pinag-uusapan namin na kinuha ng iba't ibang ikolar... may sumakay ng MRT... may nag-FX... may nag-dyip... andami... kinuha namin ang ruta gamit ang FX... we took the risk na baka ma-trafik... nakit namin sila resty and company... niyaya namin na sumakay na ang iba sa FX na nasakyan na namin pero ayaw yata nilang maghiwa-hiwalay...
sa FX eh nagbayad na kami ng tig-25... at wala nang nagawa kundi ang maghintay... usap... at tulog na lang nagawa namin... at nakarating na rin kami sa wakas sa PNU...
6:21 pm. / gate ng PNU / PNU
wow... akala namin eh kami na ang unang nakarating... paano ba naman eh in-interogta pa kami ng guard kahit na sinabi na naming kukuha kami ng stipends namin... yun pala eh may ilan na ring nakarating... ek-ek talaga ang mga guard sa PNU...
6:33 pm / cashier / PNU
si marvin nga pala ang unang nakarating sa skul (sabi niya)... ayun kinuha na namin ang stipends namin... tapos umalis agad si bec... well... tapos sabi ni marvin eh pinatatawag daw ako ni ma'm gina... "bakit?" tanong ko... "may utang ka pa daw"... "ano!?"
aba... wala na akong magawa sa lakas ng dating ni ma'am gina... alam kong bayad na ako... pero may ebidins siya kaya wala na akong magawa kundi mag bayad... hay naku... anyways...
6:50 pm / SM hanggang dyip
okay naisipan na namin nina allen at marvin na bumalik sa boarding house... pero dumaan muna kami sa SM at bumili si allen ng isang lata ng munchkins... sarap... kinain namin ang ilan sa dyip... ang trafik... ng pabalik ng PHILCOA...
8:25 pm / Krus na Ligas / Tiburcio st. / Boarding house
okay nakabalik na kami ng boarding house... kanya kanyang bili ng dinner ngayon... so bumili kami nila allen ng pagkain at isang 1.5 L na coke... kumain kami habang nanood ng darna...
nakakatawa ang episode ng darna nung araw na iyon... biro mo... wala na yatang budget ang GMA para sa mga ahas at pinatulan na nila ang mga igat (eel-like creatures) upang mag-substite bilang mga ahas... aba... tawa kami ng tawa nila alen... may mga igat na nalalaglag sa bubong, sa hagdan, at mag gumugulong gulong... sinong tanga naman ang mapapaniwala na mga ahas ang mga iyon? may mga plastik ring ahas na walang magawa kundi ang mag-vibrate up and down... tawa na lang kami ng tawa... wahehehehehehehehe... halos maluha na kaming tatlo... nakakatuwa rin ang akting ng batang si iking... biro mo... walang ka-rea-reaksiyon ang kanyang pagkakasabi ng "lola... ahas... ah...ahas...," grabe as in... pero ang pinaka-nakakatawa ay nung kinuryente na ni darna ang mga ahas (kuno)... alam mo ba kung ano ang nangyari? aba... nagtalunan ang mga ahas sa ere... akala ko nga eh lumilipad na sila... hala... tawa na lang talaga kami ng tawa nung mga eksenang iyon... sa tingin ko eh iyon na ang pinaka-nakakatawa sa lahat ng darna episodes so far...
nauubos na naming tatlo nina allen at marvin ang 1.5... busog na kami... si marvin eh parang weird at hinahabol ang bula o fizz ng coke... ay ewan... weird... ganyan nga si marvin... weird... taga-SR kasi eh...
onwards / boarding house
nag-wash na kami... dito si marvin matutulog ngayon... katabi ko pa rin si joms sa kutson ko... at kasama namin si jhem sa labas ng kwarto... tabi-tabi kaming apat... ako.. si jomar... si jhem... at si marvin... madyo may tawanan pa afterwards pero masyado na itong marami kaya tama na muna...
goodnight... yum yum yum yum yum...