i'm expecting that there are still but a few good souls out there that would gladly give me gifts this coming christmas... or maybe... just any other day...if you're planning to give me a gift... it better be one of the following...- The Chronicles of Narnia by C.S. Lewis (full-colored editions)
- iPod Mini
- HG scale Heavy Arms Gundam
- Tigger na stuff toy
- Harry Potter and the Half Blood Prince
- XBox
- A Series of Unfortunate Events
- The Little Prince (nawala ang dati kong kopya)
- Sony Cyber-shot DSC-P8 digital camera
- Isang High End PC
konti lang naman di ba? wahehehehehe
TRIP Thursday, May 05, 2005 |
kakaiba ang araw na ito... noong nakaraang mga araw eh madalas kaming ma-late pero ngayon eh nagising ang lahat ng maaga... parang ayaw nilang ma-late... c ma'am manzano ba ang bagong instructor namin sa NISMED? hindeee po... FIELD TRIP lang namn po namin ngayon...
sana field trip na lang araw-araw para di kami ma-late...
anyways bago kami dumiretso ng NISMED eh nagbabad muna ako ng aking mga puting labahan... kasama na ang aking underwears... with the help of mitch na nagturo sa akin ng basics sa pagba-babad... blah blah blah... at pumunta na kami ng NISMED.
bago pumanhik ng bus eh nagkaroon muna ng picturan dito at picturan doon... siyempre, di mawawala ang mga group pictures... eto po sila...
basahin nio na lang ang notes ng image...
anyways... nagkodakan na kami at lahat lahat pero wala pa rin ang kuba... sabi ni alen eh nauna na raw sa enchanted ang loko... tsk tsk tsk... o baka nag-audition raw para sa kampanerong kuba sabi naman ni john... wahehehehehe... tumawa na lang ako...
katabi ko nga pala si jobelle sa bus na pinag-share-an ng group 3 at group 1... SOSYAL! anyways, pinalilibutan pala kami ni jobelle ng mga love teams... sina resty at faith sa tapat namin... sina jenny at jayson sa likod... at sina arlene at john sa bandang kaliwa namin... ang SWEET... anyways... malapit rin sa amin si XERXIS... yiiiiiii... jobelle...
first stop ng bus namin ay ang NBN station... kung saan eh nakita namin ang LATEST TECHNOLOGY pagdating sa communications at broadcasting... ang gandang exposure di ba para sa mga physics majors...
sunod na pinuntahan ay ang DOE kung saan natuto akong humiga sa sahig... magtipid ng kuyente... at info sa iba't ibang energy sources... ambangis...
nakakabagot na kung ikukuwento ko pa ang eating experience namin sa SLEX...
at pinuntahan na namin ang Enchanted Kingdom... ang corny... ilang punta ko na ba ito? anyways...
ang magaganda naming instructors... steeeg... sayang wala si ma'am nora
nagrides kami at nagrides... walang sawa... pweh... lalo na sa Rio Grande na iyan... di na nagsawa sila mitch... umuwi tuloy akong basang-basa mula ulo hanggang paa... wahahahahahahaha... naka-anim ba kami dun... anyways... tumigil na kami nung basang-basa na talaga ang lahat...
WOW... nak-pambahay na lang ako nung umuwi... wala pa naman akong dinalang pamalit na damit...
anyways... doon na sa boarding house natulog sina john, marvin, rafael, at julieven dahil masyado nang gabi nung dumating kami ng UP NISMED... delikado nang bumiyahe...
cge... manonood pa kami ng the pacifier eh...