marahil eh bilang na ang mga araw na magiging ganito ang format ng blog na ito... i'm on the way of constructing a new template to make my blog more original looking... as you can see... i've added on my sidebar a links base and a shout box...now the links and buttons are categorized as follows:- leisure links - links relating to what i like doing...
- art links - links on my most favorite thing -- art! contains a link button to my deviantart page.
i would be adding up more categories in the future, but as for now i'd stick up to these links...
shoutboxes are for you (visitors), so that you may voice out just about anything, whatever it may be. be it on politics to your favorite late night teleserye... hehehe... if you have a sentiment... SHOUT it out... hehehe... that's why it's termed a shoutbox...
anyway... watch out for the total change that may occur on one of these days...
nakakaburaot ang araw na ito... biruin ninyo na pumasok ako ng iskul ng maaga dahil may finals kami dapat sa classical mechanics... ang problema ... basahin na lang ang sumusunod:- hindi kami pinapasok ng guard dahil lahat kami 'di naka-uniform
- male-late daw itong si ma'am de jesus dahil may MINOR accident DAW and baby niya
- darating daw siya ng 9:00 a.m. samantalang malinaw na 8:00 a.m. ang usapan namin
- pinaghahanap pa kami ng kwarto... HELLO?! ayaw nga kaming papasukin ng guard DIBA!? saan tayo mag-ru-room sa Chinese Garden?!
- naiihi na kami at wala na kaming maihian
- nauusukan pa kami ng mga trak dahil sa labas kami ng HRD naghintay sa may tabi ng kalsada
- saksakan ng init... grabe
- 9:00 a.m. na at wala pa ang kumag naming titser...
- naghintay pa rin kami ng isa pang oras...
- pu*a! wala pa rin... gusto ko na ngang magpa-bagsak sa kanya eh...
- naisipan naming tawagan ang mahal naming guro...
- 'langya!!! 'di na raw siya makakarating at i-reschedule na lang daw!!!
peste!!! pinaghintay niya kami dun sa uskan sa ilalim ng araw ng mahigit sa tatlong oras para sa wala... ang sarap niyang sakalin... ilagay sa sako... ikaladkad sa kalsada na parang pusa... ibitin... ihagis sa Pasig... at itulak sa hagdan... naku...
kailan pa ba matatapos ang kalbaryo ko diyan kay ma'am de jesus... ang lakas talaga ng loob niyang magbigay pa ng finals eh mas-madami naman siyang in-absent kaysa ipinasok sa amin... at take note... siya pa ang may lakas ng loob na bantaan kami... tama nga naman siya... kami talaga ang talo kahit ano ang gawin namin... eh cia ang titser eh...
pestilence!
buti na lang... medyo nagkasilbi ang araw na ito at nakapag-internet at library ako sa la salle buong araw... humanda ka ma'am de jesus sa akin... dahil sa iyo hindi kaagad nakauwi itong si bec bec... nasayang lang oras namin sa iyo... hmmph... may mga lakad kami ngayong araw na ito na pinospone namin para makapasok sa senseless mong finals tapos ganito pa ang isusukli nio sa amin... what's the meaning of that!?